SEARCH YOUR OPM SONGS HERE

Matupad Ang Panaginip - Nyel-C feat Drowzee

Latest OPM Songs would like you to enjoy the official music video Matupad Ang Panaginip by Nyel-C feat Drowzee.
 
 
Matupad Ang Panaginip 
Written By: Nyel-C and Drowzee 
Produced By: KRKN Records 
Beat By: Right Beat Radio
Matupad Ang Panaginip
Lyrics of Matupad Ang Panaginip by Nyel-C feat Drowzee

1st Verse:
Nasan ka na tila nawala parang bula 
ang ating storya na dinaig pa ang dula
marka ng ngalan ko sayo ay nabura
akala ko nung una kakayanin ko pa
heto na heto na, bakit biglang nawala?
Nagulat lang at nagising nalang bigla
hindi man lang binigyan ng babala
na gigising nalang, na ako lang magisa
pag ikaw kasama malamang sarap neto
kaso parang ang lahat ay biglang nalilito
dahil sa laging pagpikit ikaw nasa isip ko
kahit na puno ng galit at pagtatampo
hinahabol kita habang tumatakbo
kaso biglang bitin parin ang mga ito
hindi mo ramdam, talagang pakay ko
dahil sa totoo panaginip lang ito

Chorus:
kasi alam ko naman hindi na dapat pang ipilit
istoryang nabuo tila isang kathang isip
sakali magbago at ang hangin ay umihip
hindi na imposibleng matupad ang panaginip
ah, matupad ang panaginip
hindi na imposibleng matupad (matupad)
(matupad ang panaginip)
matupad ang panaginip

2nd Verse:
anu tong dumaan sa gitna ng kalangitan
parang bituin na sabay nagkislapan
tila mga taong nagkwekwentuhan
parang isang barkada, o kaya'y magkaibigan
tara't sumama sa aking paglalakbay
habang masaya at magkawak kamay
mabait, masungit, mahiyain o mataray
para din ito sa mga taong tumatagay
ng alak o kung anu iniinom mo
wag kang mahiya panaginip lang ito
lahat tayo ay napupunta sa ganto
kaya sulitin ang araw at gabing ito

Chorus:
kasi alam ko naman hindi na dapat pang ipilit
istoryang nabuo tila isang kathang isip
sakali magbago at ang hangin ay umihip
hindi na imposibleng matupad ang panaginip
ah, matupad ang panaginip
hindi na imposibleng matupad (matupad)
(matupad ang panaginip)
matupad ang panaginip

Bridge:
maliban sa ngiti, meron ding tuwa
maisip lang kita ay natutulala
ang storyang ito'y sayo nagmula
ngunit pag gising meron ng luha
sa pagtulog mo ako'y tatabi
ngunit sa isip lang may mangyayari
sa paglakbay na ito ako'y sawi
sana sa totoo akoy magwagi

Chorus:
kasi alam ko naman hindi na dapat pang ipilit
istoryang nabuo tila isang kathang isip
sakali magbago at ang hangin ay umihip
hindi na imposibleng matupad ang panaginip
ah, matupad ang panaginip
hindi na imposibleng matupad (matupad)
(matupad ang panaginip)
matupad ang panaginip

Let's support Original Pinoy Music - Mabuhay ang Musikang Filipino! 
Don't forget to like OPM Latest Hits fan page and subscribe to us for the latest updates!

About

OPM Latest Hits provides OPM Songs, OPM Lyrics and OPM Videos for easy access to all searchers of Original Pinoy Music here in the World Wide Web.
Home | Contact | DMCA | Disclaimer |