SEARCH YOUR OPM SONGS HERE

Hindi Pa Tapos (Bonifacio Theme song) by Gloc-9

Enjoy the music video of the OPM Latest Hits “Hindi Pa Tapos (Bonifacio Theme song) by Gloc-9
"Minsan ba'y naisip mo na ang noon ay katulad din ng...
Ngayon? - @gloc-9

"Hindi Pa Tapos" written & performed by Gloc 9 featuring Denise Ysabel Barbacena
Directed by Enzo Williams
Official Theme Song of the MMFF entry "Bonifacio: Ang Unang Pangulo"
Latest OPM Songs, Hindi Pa Tapos, Music Video, Hindi Pa Tapos lyrics, Hindi Pa Tapos Video, OPM, OPM Artists, OPM Hits, OPM Lyrics, OPM Rap, OPM Songs, OPM Video, Pinoy, Bonifacio Theme song,Gloc-9
Hindi Pa Tapos (Bonifacio Theme song) lyrics by Gloc-9

Chorus:
Di uusad kung lakad ay paatras
Naka kandado ang dapat na bukas
Bumangon at nang maunawaan mo
Kung ano ang syang pinag laban ko

I
Habang panahon nalang ba tayong mag tuturuan
At sa malambot na higaan ay mag uunahan

Sigawan at sumbatan ng ano mang kakulangan
Bago pa mapunta sa iba teka ako naman

Sino bang may kasalanan at madumi ang mukha
Kahit busog na sa palay naka baon ang tuka

Pano maniniwala kung palaging sagot ay baka
Wala naman tumutugma pero tula ng tula

Minsan bay naisip mo na ang noon
Ay katulad din ng mga kinakaharap ngayon

Huwag mag taka kung bat lumalabo ang tubig sa balon 
Dahil hanggang ngayon ay di pa tapos ang rebolusyon

Chorus
Di uusad kung lakad ay paatras
Naka kandado ang dapat na bukas
Bumangon at nang maunawaan mo
Kung ano ang syang pinag laban ko

Di uusad kung lakad ay paatras
Naka kandado ang dapat na bukas
Bumangon panindigan mo ang tugon dahil 
di pa tapos ang rebolusyon

II
Ang nais ko rin naman ay mapayapang paraan 
ngunit kailangang sumalag kapag ikay inundayan
Ng patalim sa dilim nagkalat na sakim mga maliliit lamang ang nadidiin

Ipinasa nang itak na ginagamit sa digmaan
Para sakin ang matapang ay ang syang nangibang bayan
Ang taga ani mga bagong bayani na tugon sa hindi matapos at paulit ulit na tanong 

Kaibigan minsan bay naisip mo na ang noon
Ay katulad din ng mga kinakaharap ngayon
Huwag mag taka kung bat lumalabo ang tubig sa balon 
Dahil hanggang ngayon ay di pa tapos ang rebolusyon

Chorus
Di uusad kung lakad ay paatras
Naka kandado ang dapat na bukas
Bumangon at nang maunawaan mo
Kung ano ang syang pinag laban ko

Di uusad kung lakad ay paatras
Naka kandado ang dapat na bukas
Bumangon panindigan mo ang tugon dahil 
di pa tapos ang rebolusyon

III
Di ako nagkaroon ng pagkakataon na
Magpakilala simula noon
Ang tawag nila sa akin ay ang pasimuno
Habang ang nais ko lang naman ay mamuno

At ituro ang daan katulad niyo rin naman
Ako’y tinulak sa burak pagkatapos pagbintangan
Ng mga taong aking itinuring na kapatid
Gamit ang kutsilyo lubid na hawak ay pinatid

Lahat ay kailangang lumaban kapag inaapi na
Kahit dumanak ang dugo at ang puti’y maging pula
Matapos ang lahat ng sinulat na sabi nila
Kung sino ako talaga ay kilala mo ba

Bridge
Lupang tinatapakan mo
Bakas ng nilakaran ko
Dusang binabalikat mo
Ay ang syang binuhat ko

Chorus
Di uusad kung lakad ay paatras
Naka kandado ang dapat na bukas
Bumangon at nang maunawaan mo
Kung ano ang syang pinag laban ko

Di uusad kung lakad ay paatras
Naka kandado ang dapat na bukas
Bumangon panindigan mo ang tugon dahil 
di pa tapos ang rebolusyon

Don't forget to like OPM Latest Hits fan page and subscribe to us!

About

OPM Latest Hits provides OPM Songs, OPM Lyrics and OPM Videos for easy access to all searchers of Original Pinoy Music here in the World Wide Web.
Home | Contact | DMCA | Disclaimer |