SEARCH YOUR OPM SONGS HERE

Awit ng barkada - Apo Hiking Society

Latest OPM Songs would like you to enjoy the music video of  "Awit ng barkada"  from Apo Hiking Society.
Apo Hiking Society
Awit ng barkada lyrics by Apo Hiking Society

Nakasimangot ka na lang palagi
Parang ikaw lang ang nagmamay-ari
Ng lahat ng sama ng loob
Pagmumukha mo ay hindi maipinta
Nakalimutan mo na bang tumawa
Eh, sumasayad na ang nguso mo sa lupa
Refrain
Kahit sino pa man ang may kagagawan
Ng iyong pagkabigo
Ay isipin na lang na ang buhay kung
Minsan ay nagbibiro
Nandirito kami, ang barkada mong tunay
Aawit sa 'yo
Sa lungkot at ligaya, hirap at ginhawa
Kami'y kasama mo


Kung sa pag-ibig may pinag-awayan
Kung salapi ay huwag nang pag-usapan
Tayo'y di nagbibilangan
Kung ang problema mo'y nagkatambakan
At mga utang 'di na mabayaran
Lahat ng bagay ay nadadaan sa usapan
(Repeat refrain)


Kung hahanapin ay kaligayahan
Maging malalim o may kababawan,
Sa iyo ay may nakalaan
Kami'y asahan at huwag kalimutan
Maging ito ay madalas o minsan
Pagkat iba na nga ang may pinagsamahan
(Repeat refrain)

Coda
Kasama mo
Kasama mo
Kasama mo...


Let's support Original Pinoy Music - Mabuhay ang Musikang Filipino! 
Don't forget to like OPM Latest Hits fan page and subscribe to us for the latest updates!

About

OPM Latest Hits provides OPM Songs, OPM Lyrics and OPM Videos for easy access to all searchers of Original Pinoy Music here in the World Wide Web.
Home | Contact | DMCA | Disclaimer |